Thursday, July 2, 2009

SAMPAGUITA NG AKING BUHAY
KAY BANGO PAG-IBIG ANG ALAY
BAWA’T BUTIL MAY DALANG ALAALA
TUWA AT LUNGKOT, HIRAP AT GINHAWA

ISA-ISA KANG TINUTUHOG
PERLAS NA MGA TALULOT
KARAKA’Y SA LEEG NAGIGING HIYAS
HALIMUYAK MO’Y ABOT-LANGIT SA WAGAS

SAMPAGUITA ALAY SA LAHAT
HALINA’T ILAWIT SA DIBDIB
O IKORONA SA BUHOK AT ULO
PALAMUTI SA REYNA AT SA HARI

No comments:

Post a Comment