Sunday, June 28, 2020

NORMALIZING THE ABNORMAL

What is new normal is actually what should be, what should happen. 1. We have soap or alcohol in public toilets; 2) alcohol is freely given at all establishments; 3.) there is not more overcrowding at malls which used to reduce oxygen in the air; 4.) vehicles are more cautious and gentle in the streets, giving way to pedestrians who are wearing masks; and 5.) wearing masks should really be done due to the pollution in the air.

The future use of non-traditional media should have happened a long time ago so that children in the countrysides could have benefitted from them. A transgender girl is 18 years old from San Pedro but she does not even know how to read, how to write. She complained of backpains and was surprised that she only has to drink water every hour to cleanse her body. Then I gave her methyl salicylate or oil of winter green. That was the first time she has seen ,heard and touched it.

In other words, San Pedro, Laguna, which is only an hour away from Manila could not raise the intelligence of a kid who has to come to Manila to work. So let's welcome all the innovative methods that the DepEd is coming up with. We need to exert all efforts at enlightening our children who will be future leaders of this country.

Tuesday, June 16, 2020

KUNG NAKIKINIG ANG PINTOR


KUNG NAKIKINIG ANG PINTOR, NANGUNGUSAP ANG KANYANG PINIPINTA
WHEN THE ARTIST LISTENS, HIS PAINTINGS SPEAK                                                                                                                                                                              Unang lumabas sa Ingles sa Manila Standard, Nobyembre 11, 1996

Emmanuel L Cordova - Related Artist Discovery - Emmanuel L Cordova
By Wilhelmina S. Orozco

Sino ang tinatawag na artist? Ang kanyang gawa bag n nagbibigay ng titulo sa kanya? Ang estilo ng pagpipinta? Ang bumibili ng kanyang “painting?” Ang kritiko? Mahirap sagutin ang mga tanong na ito kung walang kaalaman na ang gawang sining ay dumaraan sa iba’t ibang bahagdan ng proseso ng pagbuo. At kahit pagnatapos na ito, kailangan pa ring baguhin ng pauli-ulit upang maging “perpekto” o “kaaya-ayang makita.

Diyan natin malalarawan kung paanong tingnan ni Emmanuel L Cordova ang sarili niya bilang isang tagawa ng sining o artistia at kung paano siyang naging isang painter.  
Sa kanyang exbit sa Ayala Museum kung saan may 20 paintings siyang in-exibit, na nagkakahalaga ng sampung libo hanggang walumpung libo para sa pinakatampok na “The Centennial.” Ang huli ay naglalaman ng mga shells at halaman ng mga nanganganib na mawala, ang jade vine at tinawag na centennial upang paigtingin ang kahalagahang maprotektahan sila sa ika sandaang anibersaryo n gating kasarinlan (1998.)

Nagubos ng sobra sa isang taon si Emmanuel sa paghahanda ng exibit na ito. At ngayon nga ay nabenta na ang higit sa kalahati at bayad na rin. Bayad na rin ang Centennial bago pa nagbukas ang exibit.

Marami sa kanyang gawa ang parang mga lumang larawan noong sinauna. Hawig ito sa mga paintings na nakapaloob sa aklat ni Fr. Blanco noong panahon ng Kastila na gawa ng iba’t ibang pintor. Aminado si Emmanuel na malaki ang impluwensiya sa kanya ni Sair Lawrence Alma-Tadena, isang taga Nederlanda na pintor ng mga fantasya at nanirahan sa Britanya kung saan siya ay naging tanyag.

Ano ang tampok sa mga paintings ni Emmanuel? Lahat ito ay tungkol sa mga halaman. Botanicals o patungkol sa mga halaman. Laman din ng mga paintings ni Emmanuel hindi lamang mga bulaklak, prutas kundi pati mga kabibe o shells. Kakaiba ang pagpinta ni Emmauel dahil pinapakita niya rito ang natutuyong bhaagi ng halaman, ang mga lupi, ang kanilang pagyuko na para bang buhay na buhay sila at malapit lang sa atin, na parang humihinga sila kaparis natin para mabuhay.

Produkto ng UST School of Fine Arts, si Emmanuel lamang ang nag-iisang pintor sa kanilang pamilya kung saan lahat ay marunong mag drowing pero nahikayat ng ibang larangan. Si Jovy ay nais sanang maging arkitekto pero tinukso ng mga lalaking kaklase niya kaya lumipat sa komersyo. . Si Joji ay isa nang dentist at si Danila ay isa ring tapos ng komersyo. Ang kanyang ina na si Liwayway, ay  may marble business ay may malaking impluwensiya sa kanya dahil ang mga paintings niya dahil ang mga paintings  niya ay may marbolizadong frame. Ang isang painting ay may mga tiles na maaaring gawa ng marble. Ang kanyang detalyadong mga paintings ay maaaring naimpluwensiyahan din ng trabaho ng kanyang ama na si Jose, na isang supplies officer sa Dept. of Education. Karamihan sa mga nagdo-drowing ay nagsisimula sa pagkabata pa lamang. Si Emmanuel ay hindi naiiba. “Natuto akong magdrowing sa paggaya ng mga coloring books. Tine-trace ko ang mga drowing sa pahina at dito ako natutong tumingin ng detalye. Tapos sa kolehiyo, nagenrol ako sa mechanical engineering pero nalaman ko na mas naeengganyo ako sa mga graphics subjects kaya nakatapos ako ng Fine Arts.” Tinuruan siya rito ni Mr. Santiago kung paanong magdrowing ng hawig na hawig sa subject. Si Mr. Alib naman ay nagfocus sa anatomy. Isa pang naggisa Frankng guro niya ay ang kilalang pintor na si Mr. Parial.
Bagaman, maganda ang pundasyon niya sa eskuwela, ang pagpunta niya sa Europa noong 1994 na higit na naging malalim ang kanyang pagtingin sa detalye at maging mas reyalistico ang kanyang mga drowing. “Nagulat ako. Punung puno ng mga estilo sa realistikong pagdo-drowing at pagpinta. At marami rin ang botanicals. Nagpunta siya sa Frankfurt, London, Copenhagen, Giverny, Paris, Amsterdam, Milan, Bergamo, at Lake Como. Nagpunta rin siya sa HongKong. Bumisita siya sa maraming museo at galerya tulad ng Louvre. Bumisita rin siya ng mga hardin upang mag-obserba ng mga halaman at bulaklak. Pero kahit na malaking hatak ang nangyari sa kanya sa Europa, si Emmanuel ay nagbalik Pilipinas pa rin. “Mas gusto ko pa ring gamiting subjects ang ating mga bulaklak at kabibe.”

Bilang isang botanical painter, nangangailangan humanap si Emmanuel ng mga rare (hindi palasak) at hindi ordinaryong halaman at kabibe. Nangongolekta siya ng mga specimens mula sa iba’t ibang lugar tulad ng Mindoro kung saan natagpuan niya ang bohemia flower; Laguna, at ang iba naman ay sa kanyang kapitbahay.

Bago naging botanical painter si Emmanuel, nagpintura siya ng mga murals, malalaking pintura ng mga dingding para sa mga art lovers. Siya ang nagpinta ng winemaking sa kisame ng Le Souffle sa Makati. Sa Hotel Intercon, mayroon siyang pininta na mural, 9 x 18 feet na nagpapakita ng mga halaman. Sa Subic Yacht Club naman, nagpinta siya ng isang eksena sa French Riviera. Gumawa rin siya ng pintura sa ng dingding ng isa malapit na kaibigan, si Mara Loinaz, ang jade vine na siyang unang nagturo sa kanya ng halamang yaon. “Naghanap ako ng jade vine  sa UP Los Banyos, Laguna taun-taon hanggang nalaman kong namumulaklak lamang ito tuwing Marso at Abril. Nakakalungkot, lumipat sina Mara at ang kanyang mag-anak sa ibang lugar at naiwan ang dingding,” ang natatawang nasabing ni Emmanuel.

Ang pinakamagaganda sa exhibit ay, sa tinging ni Emmanuel, ang mga sumusunod: “Daydream,” “Journey,” “Centennial,” at “Tropical Lantern.” Hinahamon ng paintings ang mga manonood na pag-isipan kung ano talaga ang ibig iparating ng pintor. Ang “Journey” ay may isang malaking nautilus na may mga bulaklak at nasa dagat. Ang “Shower” naman ay may malaking kabibe na may dumadaloy na tubig isang pagdiriwan ng pagdaloy ng tubig. Ang “Tropical Lantern” naman ay hugis ng isang Christmas parol pero mga halaman ang mga bahagi. Ang “Dreams” naman ay hawig sa “Journey” dahil ako yun, na parang isang kabibeng may dala-dalang mga bulaklak, naglalakbay kung saan-saan sa ibabaw ng karagatan.
Ang kagustuhang makatapos ng isang painting ay likas sa mga tapat na pintor. At kapag ganyan, magpupursigi siya kahit na lumampas na siya sa etiquette ng lipunan. “Kung minsan naiisip kong kailangan kong gawin ito kaagad at baka mawala ito bukas.” Minsan may nakita siyang isang buho at humingi sila ng pahintulot sa may-ari. Sa tagal ng pagtagpas ng buho, lumabas ang aso at hinabol sila. Napilitan siya at ng kasama niyang tumakbo. Minsan naman kumatok siya ng sunud-sunod sa isang bahay dahil may nakita siyang pomegranate. Lumabas ang may--ari na nakatapis ng tuwalya. “Hindi mo ba nakikitang naliligo ako?” Sa isang banda, nagalit na talaga ang may-ari na pilit niyang hinihingan niya ng aqua water lily.

Ang pinakamalaking tulong sa kanya ay ang mga kaibigan niyang may tahanan (resthouses) sa malapit sa kabundukan ng Katimugang Luzon kung saan maraming rare species. Isang mag-asawa ang nag-utos sa isang staff na kunin ang isang halaman na nakita nila sa isang tabi habang naglalakbay sila. Natutuwa na ang mga donors  na makita ang halamang nabigay nila o natulungang makuha na napintura sa canvas. “Tuwang-tuwa silang sabihing, ‘ako ang nagbigay niyan.’” May mga kabibe rin akong nahiram sa mga kaibigan at kung minsan sinasabi nilang may bago silang napulot na maaaring ipinta ko.” 

Passion, commitment at inspiration (matinding pagnanais o pagkahilig, katapatan at inspirasyon)  ay hindi sapat para maging pintor. Kailangan lalo ang pagiging dalubhasa o master ng sining. Dito tampok ang mga gawain ni Emmanuel. “Wasto parati kapag ako ay nagpipinta. Gumagamit muna ako ng lapis na magaan ang diin pag nasa papel. Tapos saka ko lalagyan ng watercolor. Buong araw nay yun na magpipinta ako. Habang nagpipinta ako, dagdag ako ng dagdag o nagbabawas ng (kulay o bagay) sa pinipinta ko hanggang sa kuntento na ako.

Dating nakatira sina Emmanuel at ang kayang pamilya sa Pasay, na maingay at maraming tao. Sabi niya, hinid niya mamaster ang botanical painting kung nagpatuloy sila roon. Pero lumipat sila sa Cavite kung saan may hardin siyang mapagkukunan ng inspirasyon.
Ang trabaho lang ni Emmanuel ang kaisa-isang trabahong pintado ng betel nut (nginunguya ng mga nakatatanda) na naipakita sa Shirley Sherwood Collection of Contemporary Botanicals na pinalabas sa Gran Britanya, Japan at Australia.

Pilosopiya sa sining

Hindi pabor si Emmanuel sa social realistic paintings na tumatalakay sa mga isyus sa lipunan tulad ng kahirapan, karahasan at iba pa. Ang nais niya ay mga paintings na nakaka relax. “Mas gusto kong ipinta ang kalikasan.”

Kahit ano pa ang sabihin ni Emmanuel, ang mga paintings  niya ay nagpapakita ng kanyang malakas na sagot sa mga nangyayari sa kapaligiran. Ang kanyang mga paintings ay pailalim na interpretasyon na ang buhay ng mga halaman at kabibe ay nanganganib. Tunay na natuto na si Emmanuel na making kay Inang Kalikasan. Kung kaya’t ang kulay na pastel na gamit niya sa painting ay nagpapakita ng kalungkutan sa mga nangyayari sa mga halaman sa kapaligiran. Ang mga mangga o ang water lily na nakalawit, nakabitin na wari’y lumulutang sa himpapawid ay nagpapakita ng kawalan ng kasiguruhan na mabuhay.

Kung kaya’t pag tinitingnan ang kanyang mga paintings  ay parang hindi tayo mapakali kasi parang mawawala, madudurog o malulusaw sila sa kalawakan. Kung kaya’t ang kanyang mga paintings  ay magandang tingnan sa kuwadro na nakadikit sa dingding at mahal ang presyo, wari’y bumubulong ang mga halaman at kabibe, “Maiksi ang aming buhay (ephemeral); sana’y  magpakita kayo ng kabaitan sa amin. “