KUNG NAKIKINIG ANG PINTOR, NANGUNGUSAP ANG KANYANG PINIPINTA
WHEN THE
ARTIST LISTENS, HIS PAINTINGS SPEAK
Unang lumabas sa Ingles sa Manila Standard, Nobyembre 11, 1996
By Wilhelmina S. Orozco
Sino ang tinatawag na artist? Ang kanyang gawa bag n
nagbibigay ng titulo sa kanya? Ang estilo ng pagpipinta? Ang bumibili ng
kanyang “painting?” Ang kritiko? Mahirap sagutin ang mga tanong na ito kung
walang kaalaman na ang gawang sining ay dumaraan sa iba’t ibang bahagdan ng
proseso ng pagbuo. At kahit pagnatapos na ito, kailangan pa ring baguhin ng
pauli-ulit upang maging “perpekto” o “kaaya-ayang makita.
Diyan natin malalarawan kung paanong tingnan ni Emmanuel L
Cordova ang sarili niya bilang isang tagawa ng sining o artistia at kung paano
siyang naging isang painter.
Sa kanyang exbit sa Ayala Museum kung saan may 20 paintings
siyang in-exibit, na nagkakahalaga ng sampung libo hanggang walumpung libo para
sa pinakatampok na “The Centennial.” Ang huli ay naglalaman ng mga shells at
halaman ng mga nanganganib na mawala, ang jade
vine at tinawag na centennial upang paigtingin ang kahalagahang
maprotektahan sila sa ika sandaang anibersaryo n gating kasarinlan (1998.)
Nagubos ng sobra sa isang taon si Emmanuel sa paghahanda ng
exibit na ito. At ngayon nga ay nabenta na ang higit sa kalahati at bayad na
rin. Bayad na rin ang Centennial
bago pa nagbukas ang exibit.
Marami sa kanyang gawa ang parang mga lumang larawan noong
sinauna. Hawig ito sa mga paintings na
nakapaloob sa aklat ni Fr. Blanco noong panahon ng Kastila na gawa ng iba’t
ibang pintor. Aminado si Emmanuel na malaki ang impluwensiya sa kanya ni Sair
Lawrence Alma-Tadena, isang taga Nederlanda na pintor ng mga fantasya at
nanirahan sa Britanya kung saan siya ay naging tanyag.
Ano ang tampok sa mga paintings ni Emmanuel? Lahat ito ay
tungkol sa mga halaman. Botanicals o
patungkol sa mga halaman. Laman din ng mga paintings
ni Emmanuel hindi lamang mga bulaklak, prutas kundi pati mga kabibe o shells.
Kakaiba ang pagpinta ni Emmauel dahil pinapakita niya rito ang natutuyong
bhaagi ng halaman, ang mga lupi, ang kanilang pagyuko na para bang buhay na
buhay sila at malapit lang sa atin, na parang humihinga sila kaparis natin para
mabuhay.
Produkto ng UST School of Fine
Arts, si Emmanuel lamang ang nag-iisang pintor sa kanilang pamilya kung saan
lahat ay marunong mag drowing pero nahikayat ng ibang larangan. Si Jovy ay nais
sanang maging arkitekto pero tinukso ng mga lalaking kaklase niya kaya lumipat
sa komersyo. . Si Joji ay isa nang dentist at si Danila ay isa ring tapos ng
komersyo. Ang kanyang ina na si Liwayway, ay
may marble business ay may malaking impluwensiya sa kanya dahil ang mga
paintings niya dahil ang mga paintings niya ay may marbolizadong frame. Ang isang painting ay may mga tiles na maaaring gawa ng marble.
Ang kanyang detalyadong mga paintings
ay maaaring naimpluwensiyahan din ng trabaho ng kanyang ama na si Jose, na
isang supplies officer sa Dept. of Education. Karamihan sa mga nagdo-drowing ay
nagsisimula sa pagkabata pa lamang. Si Emmanuel ay hindi naiiba. “Natuto akong
magdrowing sa paggaya ng mga coloring books. Tine-trace ko ang mga drowing sa pahina at dito ako natutong tumingin ng
detalye. Tapos sa kolehiyo, nagenrol ako sa mechanical engineering pero nalaman ko na mas naeengganyo ako sa
mga graphics subjects kaya nakatapos
ako ng Fine Arts.” Tinuruan siya rito ni Mr. Santiago kung paanong magdrowing
ng hawig na hawig sa subject. Si Mr. Alib naman ay nagfocus sa anatomy. Isa pang
naggisa Frankng guro niya ay ang kilalang pintor na si Mr. Parial.
Bagaman, maganda ang pundasyon
niya sa eskuwela, ang pagpunta niya sa Europa noong 1994 na higit na naging
malalim ang kanyang pagtingin sa detalye at maging mas reyalistico ang kanyang
mga drowing. “Nagulat ako. Punung puno ng mga estilo sa realistikong
pagdo-drowing at pagpinta. At marami rin ang botanicals. Nagpunta siya sa Frankfurt, London, Copenhagen,
Giverny, Paris, Amsterdam, Milan, Bergamo, at Lake Como. Nagpunta rin siya sa HongKong.
Bumisita siya sa maraming museo at galerya tulad ng Louvre. Bumisita rin siya
ng mga hardin upang mag-obserba ng mga halaman at bulaklak. Pero kahit na
malaking hatak ang nangyari sa kanya sa Europa, si Emmanuel ay nagbalik
Pilipinas pa rin. “Mas gusto ko pa ring gamiting subjects ang ating mga
bulaklak at kabibe.”
Bilang isang botanical painter, nangangailangan humanap si Emmanuel ng mga rare (hindi palasak) at hindi
ordinaryong halaman at kabibe. Nangongolekta siya ng mga specimens mula sa iba’t ibang lugar tulad ng Mindoro kung saan
natagpuan niya ang bohemia flower; Laguna,
at ang iba naman ay sa kanyang kapitbahay.
Bago naging botanical painter si Emmanuel, nagpintura siya ng mga murals,
malalaking pintura ng mga dingding para sa mga art lovers. Siya ang nagpinta ng winemaking sa kisame ng Le Souffle sa Makati. Sa Hotel Intercon, mayroon
siyang pininta na mural, 9 x 18 feet na nagpapakita ng mga halaman. Sa Subic
Yacht Club naman, nagpinta siya ng isang eksena sa French Riviera. Gumawa rin
siya ng pintura sa ng dingding ng isa malapit na kaibigan, si Mara Loinaz, ang jade vine na siyang unang nagturo sa
kanya ng halamang yaon. “Naghanap ako ng jade
vine sa UP Los Banyos, Laguna
taun-taon hanggang nalaman kong namumulaklak lamang ito tuwing Marso at Abril.
Nakakalungkot, lumipat sina Mara at ang kanyang mag-anak sa ibang lugar at
naiwan ang dingding,” ang natatawang nasabing ni Emmanuel.
Ang pinakamagaganda sa exhibit
ay, sa tinging ni Emmanuel, ang mga sumusunod: “Daydream,” “Journey,” “Centennial,” at “Tropical Lantern.” Hinahamon ng paintings ang mga manonood na
pag-isipan kung ano talaga ang ibig iparating ng pintor. Ang “Journey” ay may isang malaking nautilus na may mga bulaklak at nasa
dagat. Ang “Shower” naman ay may malaking
kabibe na may dumadaloy na tubig isang pagdiriwan ng pagdaloy ng tubig. Ang “Tropical Lantern” naman ay hugis ng
isang Christmas parol pero mga halaman ang mga bahagi. Ang “Dreams” naman ay hawig sa “Journey” dahil ako yun, na parang isang
kabibeng may dala-dalang mga bulaklak, naglalakbay kung saan-saan sa ibabaw ng
karagatan.
Ang kagustuhang makatapos ng
isang painting ay likas sa mga tapat
na pintor. At kapag ganyan, magpupursigi siya kahit na lumampas na siya sa etiquette ng lipunan. “Kung minsan
naiisip kong kailangan kong gawin ito kaagad at baka mawala ito bukas.” Minsan
may nakita siyang isang buho at humingi sila ng pahintulot sa may-ari. Sa tagal
ng pagtagpas ng buho, lumabas ang aso at hinabol sila. Napilitan siya at ng
kasama niyang tumakbo. Minsan naman kumatok siya ng sunud-sunod sa isang bahay
dahil may nakita siyang pomegranate. Lumabas ang may--ari na nakatapis ng
tuwalya. “Hindi mo ba nakikitang naliligo ako?” Sa isang banda, nagalit na
talaga ang may-ari na pilit niyang hinihingan niya ng aqua water lily.
Ang pinakamalaking tulong sa
kanya ay ang mga kaibigan niyang may tahanan (resthouses) sa malapit sa kabundukan ng Katimugang Luzon kung saan
maraming rare species. Isang mag-asawa
ang nag-utos sa isang staff na kunin
ang isang halaman na nakita nila sa isang tabi habang naglalakbay sila.
Natutuwa na ang mga donors na makita ang halamang nabigay nila o
natulungang makuha na napintura sa canvas. “Tuwang-tuwa silang sabihing, ‘ako
ang nagbigay niyan.’” May mga kabibe rin akong nahiram sa mga kaibigan at kung
minsan sinasabi nilang may bago silang napulot na maaaring ipinta ko.”
Passion, commitment at
inspiration (matinding pagnanais o pagkahilig, katapatan at inspirasyon) ay hindi sapat para maging pintor.
Kailangan lalo ang pagiging dalubhasa o master ng sining. Dito tampok ang mga
gawain ni Emmanuel. “Wasto parati kapag ako ay nagpipinta. Gumagamit muna ako
ng lapis na magaan ang diin pag nasa papel. Tapos saka ko lalagyan ng
watercolor. Buong araw nay yun na magpipinta ako. Habang nagpipinta ako, dagdag
ako ng dagdag o nagbabawas ng (kulay o bagay) sa pinipinta ko hanggang sa
kuntento na ako.
Dating nakatira sina Emmanuel at
ang kayang pamilya sa Pasay, na maingay at maraming tao. Sabi niya, hinid niya
mamaster ang botanical painting kung nagpatuloy sila roon. Pero lumipat sila sa
Cavite kung saan may hardin siyang mapagkukunan ng inspirasyon.
Ang trabaho lang ni Emmanuel ang
kaisa-isang trabahong pintado ng betel nut (nginunguya ng mga nakatatanda) na
naipakita sa Shirley Sherwood Collection of Contemporary Botanicals na
pinalabas sa Gran Britanya, Japan at Australia.
Pilosopiya sa sining
Hindi pabor si Emmanuel sa social
realistic paintings na tumatalakay sa mga isyus sa lipunan tulad ng kahirapan,
karahasan at iba pa. Ang nais niya ay mga paintings na nakaka relax. “Mas gusto
kong ipinta ang kalikasan.”
Kahit ano pa ang sabihin ni
Emmanuel, ang mga paintings niya ay nagpapakita ng kanyang malakas na
sagot sa mga nangyayari sa kapaligiran. Ang kanyang mga paintings ay pailalim na interpretasyon na ang buhay ng mga halaman
at kabibe ay nanganganib. Tunay na natuto na si Emmanuel na making kay Inang
Kalikasan. Kung kaya’t ang kulay na pastel na gamit niya sa painting ay
nagpapakita ng kalungkutan sa mga nangyayari sa mga halaman sa kapaligiran. Ang
mga mangga o ang water lily na nakalawit, nakabitin na wari’y lumulutang sa
himpapawid ay nagpapakita ng kawalan ng kasiguruhan na mabuhay.
Kung kaya’t pag tinitingnan ang
kanyang mga paintings ay parang hindi tayo mapakali kasi parang
mawawala, madudurog o malulusaw sila sa kalawakan. Kung kaya’t ang kanyang mga paintings ay magandang tingnan sa kuwadro na nakadikit
sa dingding at mahal ang presyo, wari’y bumubulong ang mga halaman at kabibe,
“Maiksi ang aming buhay (ephemeral); sana’y magpakita kayo ng kabaitan sa amin. “
No comments:
Post a Comment